Pagsasama nina Jericho at Bela sa pelikula, isang malaking sugal!

Showing na sa mga sinehan ang ‘Luck at First Sight’, ang kauna-unahang proyektong pinagsamahan ng Kapamilya stars na sina Jerichco Rosales at Bela Padilla. Refreshing ang team up na ito at maituturing na isang malaking ‘sugal’.

Luckily, established na sina Jericho at Bela as competent actors. In his heydays, maraming loyal fans si Echo na super inlababo sa tambalan nila ni Kristine Hermosa na binansagang ‘EchoTin’. Kahit hindi man masyadong obvious, nakaani din ng loyal followers sina Coco Martin at Bela Padilla nang magsama sila sa first few months ng ‘FPJ: Ang Probinsyano’. Ang mga fans naman nila ay tinatawag na ‘CocoBel’.

So why Jericho and Bela? Base sa karakter na Joma, swak na swak nga sa kanya ang role. Obvious choice naman si Bela as Diane dahil siya ang isa sa nag-conceptualize ng story (together with ex-boyfriend movie producer Neil Arce). With competent director Dan Villegas leading the movie, naitawid nito ang kulang na chemistry ng dalawa at mahinang character development sa pamamagitan ng mga sequences. Okay naman ang story, but some of the lines are quite empty. Jericho’s exaggeration (na only he can pull of) and Bela’s charm made this film worth watching. Panalo din ang bestie roles nina Kim Molina at Cholo Barretto, na napapansin naming na paborito ngayon ng Viva pagdating sa mga ganitong ganap.

Pagdating naman sa life lessons ay maraming mapupulot dito ang mga moviegoers. Hinay-hinay lang sa pagsusugal at huwag masyadong umasa sa swerte, mga bes! Sa totoo lang, hindi ito ang pinaka-paborito namin na pelikula ni Dan Villegas, pero napatunayan pa rin nito na isa siya sa pinaka-mahusay na mainstream director ngayon. Siguro’y naghahabol sila ng playdate kaya puro montages ang ginawang filler.

Kung gusto ninyo ng temporary escape, panoorin ninyo ang Luck at First Sight! Showing pa rin in selected cinemas nationwide!

by Parazzi Kween

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.