Pagsasaligal ng Jueteng, bubuhayin

BAGAMA’T TIYAK na umanong aani ng sari-saring komento mula sa iba’t ibang grupo at maging sa publiko, pursigido ang House Committee on Games and Amusement na buhayin ang pagsasaligal ng Jueteng.

Sinabi ni Manila 5th district Rep. Amado Bagatsing na napapanahon na ang legalization ng naturang sugal upang mapaangat ang buwis na mailalaan naman sa mga socio-economic, livelihood programs, infrastructure projects, edukasyon at pangkalusugan.

Base sa House Bill 3248 ni Bagatsing, mare-regulate umano ng gobyerno ang Jueteng na patuloy na namamayagpag sa malaking bahagi ng bansa sa kabila ng kampanya ng pamahalaan laban dito.

“It’s high time to legalize it so government can raise more revenues to support it’s many socio-economic and livelihood programs, including infrastructure for education and health,” pahayag  ng Manila solon.

Samantala, ngayon pa lang ay tutol na sa naturang hakbangin ang mga grupong moralista at mga taga-simbahan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.