Pagsasa-legal ng Marijuana, kinontra

KINONTRA NI Senate Deputy Minority Leader Vicente Sotto III na ga¬wing legal ang paggamit ng Marijuana sa Pilipinas bilang gamot.

Sinabi ni Sotto na hanggang ngayon ay hindi pa naman napapatunayan na may medicinal o therapeutic purposes ang Marijuana na katulad ng pinalalabas ng ilang pabor sa paggamit nito.

Inihalintulad ni Sotto sa paglalaro ng apoy ang nasabing ideya na gawing legal na rin ang paggamit ng Marijuana sa bansa lalo pa’t maari itong pagsisihan sa hinaharap.

Nabuhay ang naturang isyu ang legalisasyon sa paggamit ng Marijuana sa bansa matapos payagan sa Colorado ang pagbebenta ng Marijuana sa may edad 21 pataas.

Lumalabas sa datos ng National Organization for the Reform of Marijuana Laws na isang non-profit organization, 16 states na ang nag- decriminalized ng Marijuana samantalang 22 naman ang pumayag sa paggamit nito bilang gamot.

Samantala, ang Uruguay naman ang kauna-unahang bansa na nag-legalize ng pagma-manufacture at paggamit ng Marijuana.

Inihayag din ni Sotto na ang bansa ay isa sa mga pumirma sa 1961 United Nation’s Single Convention on Narcotic Drugs na nagba-ban sa produksiyon at suplay ng mga narcotic drugs at gamot na may kahalintulad na epekto maliban na lamang sa medical at research purposes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.