Pagsabog sa San Juan, Posibleng Dulot ng Gas Leak – Roxas

GAS LEAK ang posibleng sanhi ng naganap na pagsabog sa isang restaurant sa Wilson St. sa San Juan City, ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Lumalabas sa report, pito ang nasugatan sa nangyaring pagsabog bandang ala-1:00 ng madaling-araw, Sabado.

Inihayag ni Roxas na sinisiyasat na ang posibleng pagtagas ng LPG tank sa kusina ng restaurant o gas tank sa laundry shop.

“Most likely ay gas-induced explosion ito dahil ayon sa EOD at K9, hindi bomba ito. At ang pag-e-examine ng EOD, wala silang nakita na pangkaraniwang nakikita kung IED ito. Malamang ay gas ito,” ani Roxas.

Ayon pa rin kay Roxas, may nakausap siyang mga nagkukumpuni ng pipeline malapit sa pinangyarihan ng pagsabog at posibleng ito ang naging mitsa ng insidente.

“Ang mahalaga rito ay alam natin na hindi ito bomba, hindi ito terorismo. Kung nagkaroon nga ng pagsabog, either sa LPG or methane na magmumula sa poso,” ani ng mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.