Pagsabog ng IED sa Sulu; 1 Patay, 3 Sugatan

PATAY ANG isang kasapi ng Philippine Marines habang nasugatan ang tatlo pa nitong kasamahan matapos aksidenteng sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa may Sitio Satan, Brgy. Tiptipon, Panglima Estino, Sulu kamakailan.

Lumalabas sa ulat mula Sulu nabatid na ang naturang grupo ng mga sundalong Marines ay miyembro ng Explosive Ordnance Division (EOD) na idineploy sa nabanggit na lugar upang rumisponde dahil sa mayroong nakitang isang IED sa lugar ngunit aksidente na lamang itong sumabog.

Kinilala ang namatay na sundalo na si SSg. Jessie Sebala habang ang tatlong sugatan ay sina TSg. Fructuoso Cajote, SSg Albert Tanong at Sgt Dexter Balmonte.

Samantala, nasa Western Mindanao Command sa Camp Navarro General hospital sa Zamboanga City na ang tatlong sugatang sundalo at sumasailalim sa medical treatment.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.