Pagproklama ng Senador, ‘Di pa Puwede

NILINAW NI Comelec Chairman Sixto Brillantes na wala pang mangyayaring proklamasyon sa kabila ng malinaw na pangunguna sa unofficial count ng KBP-PPCRV ng i-lang mga kandidato sa pagka-senador.

Una rito, inilabas ng Commission En Banc ang Resolution 9700, kung saan binababaan ang threshold level ng canvassing data na nangangahulugang maaari nang magproklama ng kandidato kahit hindi pa pumapasok ang ibang data.

Ayon kay Brillantes, kung hindi na maaapektuhan ng natitirang boto na hindi pa nata-transmit o nabibilang ay maaari nang iproklama ang mga na-

ngungunang kandidato.

Layunin aniya nitong mapabilis ang proklamasyon ngayong eleksyon.

“Noong 2010 kaila-ngan 100% pero ngayon, p’wede na ho silang mag-proclaim kung hindi na maaapektuhan [nu’ng natitirang boto ‘yung resulta]… [Dati] kailangan ng clearance sa’min,

ngayon nagkakaroon ho ng problema ‘yung pag-isyu ng clearance kaya we’re coming out with the new resolution, ibabaligtad lang namin ‘yung proseso.”

Valid na aniya ang provisional proclamation maliban kung may kumuwestiyon o ipawalang-bisa ng Comelec.

“’Pag may provisional proclamation na, that provisional proclamation shall be a valid proclamation unless we annul naman dito. Kung wala, valid na ‘yun.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.