Pagpili ng Dominant Party sa Comelec, Masalimuot

NAGING MASALIMUOT ang pagdinig ng Commission on Elections (Comelec) sa mga ibig maging dominant majority at minority party para sa darating na halalan.

Ito’y matapos magkanya-kanyang hirit ang mga abogado ng bawat partido na sila ang may karapatan para sa nasabing titulo at mga pribilehiyo bilang dominant party.

Ilan sa mga humiling ng pagiging dominant group ay ang Liberal Party (LP), United Nationalist Alliance (UNA), Lakas CMD, Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP) at iba pa.

Samantala, isa sa pabor na makukuha ng dominant group ay ang pagkakaroon ng opisyal at maagang kopya ng election returns mula sa Comelec.

Nais naman ng ilan na mag-inhibit si Chairman Sixto Brillantes sa paghawak sa isyu ng NPC kung saan dati siyang abogado, habang si Comm. Grace Padaca naman ay dating kasapi ng LP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.