Pagpili ng Bagong SC Assoc.Justice, Mabusisi

TINIYAK NG Judicial and Bar Council (JBC) na sila ay magiging mabusisi sa paghahanap ng kapalit ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno bilang Supreme Court (SC) associate justice.

Ayon kay JBC member Atty. Jose Mejia, nagsimula na ang kanilang paghahanap sa puwestong iniwan ng bagong punong mahistrado.

Ngayong araw ay sisimulan na ang paglalathala ng opisyal na opening sa kanilang lupon para sa mga aplikasyon at nominasyon sa naturang posisyon.

Tulad ng nakasanayang proseso, bibigyan ng sapat na panahon ang mga interesado na makapagsumite ng kanilang aplikasyon o nominasyon, gayundin ang publiko upang makapaghain ng reklamo o komento, dagdag pa ni Mejia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.