Pagpigil sa pagharang ng DoJ sa TRO, inihain

INIHAIN NA NG kampo ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kahilingang pigilin ang pagharang ni Justice Sec. Leila de Lima sa inilabas na temporary restraining order (TRO) na nagpapahintulot sa pagbiyahe ni CGMA at dating unang ginoo Mike Arroyo.

Sa 11-pahinang mosyon, iginiit ng panig ni Arroyo na dapat agad ipatupad ang TRO dahil nakalagay naman sa resolusyon na ito ay immediately executory.

Hiling din nito sa korte na maglabas ng cease and desist order para tuluyan nang maka-alis ng bansa ang dating pangulo para makapagpagamot dahil sa kanyang sakit na hypoparatyroidism.

Nanindigan din ang kampo ng mga Arroyo na nalabag ng DoJ at Bureau of Immigration (BI) ang karapatan ng kanilang kliyente para makaalis palabas ng bansa.

“WHEREFORE, petitioner GMA respectfully prays that this Honorable Court immediately implement the Temporary Restraining Order, dated 15 November 2011 issued in the above-captioned case and order the respondents, their agents, representatives and persons acting in their stead to immediately cease and desist from preventing petitioner GMA from leaving the country,” ayon sa mosyon ng mga Arroyo.

Bukod sa umanong ihahain na contempt charges para kina De Lima, BI Comm. Ricardo David, at iba pang tauhan ng Immigration Office sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa pahayag ni Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni Mrs. Arroyo, sinabi nito na layunin ng kanilang reklamo na maparusahan ang mga taong lumabag sa naging kautusan ng Supreme Court.

Samantala, hindi tatanggap ng ibang agenda ang Korte Suprema sa kanilang special en banc session ngayon maliban sa mga usaping may kinalaman sa kaso ni CGMA.

Nabatid na napadalhan na ng imbitasyon ang lahat ng mahistrado, kabilang na sina Justices Teresita Leonardo de Castro at Mariano del Castillo.

Tiniyak naman ng Kataas-taasang Hukuman na bibigyan nila ng pagkakataon si Justice Sec. De Lima na makapagpaliwanag kung bakit nito nilalabag ang kautusan ng pinakamataas na korte sa Pilipinas, sa kabila ng isa itong abogado at opisyal ng pamahalaan na dapat umanong tumatalima sa idinidikta ng umiiral na batas.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.