Pagpigil ng Suplay ng Pagkain sa Sabah standoff, Binalewala ng mga Pinoy

BINALEWALA NG mga Pilipino sa standoff sa Sabah, Malaysia ang iniutos na pagpigil sa suplay ng pagkain sa komunidad sa Lahad Datu kung saan nagaganap ang higit dalawang linggo nang standoff.

Ito ang pinanindigan ng grupo kasunod ng food embargo na ipinatupad sa tangkang mapabalik sa Pilipinas ang mga duma-yong higit 400 Pilipinong Muslim mula sa Sultanate of Sulu na naggigiit ng kanilang pagmamay-ari sa nasabing lugar.

Ayon kay Crown Prince Datu Rajamuda Kiram, nakababatang kapatid ni Sultan Jamalul Kiram III ng Sultanate of Sulu, na siya ngayong nangunguna sa grupo sa Malaysia, na hindi sila magugutom sa kabila ng food embargo.

Mabubuhay aniya sila sa kamote, saging at iba pang pagkaing matatagpuan sa naturang lugar.

Pero umapela kay Pa-ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang tagapagsalita ng Sultanate of Sulu na si Abraham Idjirani na gumawa ng paraan para huwag magutom ang mga kasama sa standoff.

Bukod sa standoff, binalewala rin ng grupo ang ultimatum ng Malaysian authorities na puwersahang ide-deport kung hindi kusang aalis sa Lahad Datu.

Harapan naman uma-nong sinabi ni Datu Rajamuda Kiram sa hepe ng Malaysian police na hindi nila lilisanin ang nasabing lugar.

Nanindigan din ang mga ito na sa kanila ang Sabah.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.