Pagpatay sa pulis, ganti ng Bansalan Group

HINIHINALANG PAGHIHIGANTI ANG dahilan upang pasla-ngin ang isang pulis ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na miyembro ng Bansalan Group, kung saan huling nakasama sa operasyon ang biktima at napatay ang pinuno ng nasabing grupo sa Caloocan City.

Ayon kay P/Chief Insp. Rodrigo Soriano, chief ng Station Investigation Division ng Caloocan Police at isa rin sa may hawak ng kaso ng napaslang na si SPO1 Enrie Escalaw, isa sa kanilang pangunahing suspek ay ang Bansalan Group, isang malaking sindikato ng gun for hire, drug trade, robbery-hold-up, gun-runner at kidnapping.

Sinabi pa nito, na mayroon na rin silang testigo kasabay ng pagpalabas ng cartographic sketch sa dalawang gunmen at isang look-out kung saan lumalabas na mga miyembro ito ng Bansalan Group.

Kaugnay nito, magbibigay rin ng pabuyang P50,000 si Chief Supt. Antonio Decano, District Director ng Northern Police District, sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kung sino at nasaan ang mga suspek.

Nabatid na noong Mayo 29, 2011 ay kasama si Escalaw na nagsagawa ng operation laban sa Bansalan Group sa pinagkukutaan ng mga ito sa Phase 8-B, Bagong Silang ng lungsod.

Papasok pa lang ang mga pulis sa isang bahay ay sinalubong na sila ng mga putok na naging dahilan upang magsiganti.

Nang mapawi ang mga putok ay nakitang patay na ang lider na si Blandino Bansalan, alyas Bosing habang nakatakas ang iba pang kasama nito.

Noong Hunyo 20, 2011, nagpapagawa ng litrato si Escalaw sa Yes Photo Shop sa Langaray St., sa nabanggit na lungsod nang pagbabarilin at mapatay ng dalawang gunman habang nagsilbing look-out ang isa pa.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.