Pagpatay sa obrero, huli sa CCTV

NAKITA SA CLOSE CIRCUIT TELEVISION (CCTV) ang ginawang pananaksak ng lalaki sa isang obrero, na umano’y karelasyon ng asawa ng suspek sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Diardo Pusta Dela Cruz, 51, brass cutter, residente ng # 502 Fortune Drive St., Fortune 5, ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa dibdib.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Teodoro Tabalan, na nahaharap sa kasong murder.

Sa report ni PO3 John Espiritu ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela Police, bandang alas-7 ng gabi nang makita si Dela Cruz na nakahandusay sa semento sa kahabaan ng Alley 22nd St., Fortune 5, Village ng nabanggit na lungsod.

Tinignan ni PO3 Espiritu ang CCTV na nakakabit sa nasabing lugar at dito kitang-kita ang pananaksak ni Tabalan kay Dela Cruz na noo’y naglalakad.

Sa follow-up investigation ni PO3 Espiritu, nabatid na selos ang dahilan kung bakit pinatay ng suspek ang biktima.

Lumalabas na may relasyon umano ang asawa ni Tabalan kay Dela Cruz.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip ng suspek. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.