Pagpapawalang-sala sa Reyes brothers, pinagtibay

PINAGTIBAY NG Court of Appeals ang naunang desisyon na pag-abswelto kay dating Palawan Gov. Joel Reyes sa kasong may kaugnayan sa pagpatay sa broadcaster at environmentalist na si Gerry Ortega, noong 2011.

Sa botong 3-2, ibinasura ng appellate court ang apela ni Justice Sec. Leila de Lima laban sa naunang court ruling na nagbabasura sa kaso laban kay Reyes.

Base sa inilabas na resolusyong sinulat ni Justice Angelita Gacutan, iginiit ng CA na hindi umano nasunod ng Department of Justice ang “proper procedural protocol” sa pagsisiyasat sa naturang kaso.

Matatandaan na unang ibinasura ng korte ang Department Order No. 710 ni De Lima na nag-uutos nang pangalawang pagsisiyasat sa kaso.

Samantala, nabatid din na sa naunang desisyon ng panel of prosecutors panel na pinamunuan noon ni State Prosecutor Edwin Dayog, napawalang sala si Reyes at ang kapatid na si Mario sa kaso.

“We stress anew that our decision has not clipped any power of the Secretary of Justice to review the finding of any prosecutor but that power should be used by observing proper procedural protocols in accord with the Rules governing investigations,” ayon sa CA ruling.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.