Pagpapatiwakal, Ipina-Web Cam

SA LABIS na kalungkutan sa away mag-asawa, nagdesisyon ang isang 29-anyos na mister na magbigti kung saan ipina-web cam pa sa laptop ang pagpapatiwakal sa Barangay Centro, Tuguegarao City kamakailan.

Nabatid sa kasambahay ang pananamlay ng biktimang si Elton Lejos matapos makipag-away sa kanyang misis na nasa Dubai dahil sa matinding selos.

Sinabi ni PO3 Dennis Calucag na nadiskubre ng kasambahay ni Lejos ang pagpapakamatay nito sa loob ng silid matapos magpadala ng mensahe ang asawa nito sa social site network ng katulong.

Samantala, nadatnan pang naka-focus sa web camera ng laptop ang biktima habang nagpa-patiwakal ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.