Pagpapasibak kay PNoy dahil sa Yosi, walang basehan – CSC

WALANG SAPAT na basehan para kasuhan ng impeachment si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III hinggil sa kanyang paninigarilyo.

Ito ang naging paliwanag ni Civil Service Commission (CSC) Chairman Francisco Duque kaugnay sa pahayag ni CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo na maaaring nilabag ng Pangulo ang isinasaad ng Memorandum Circular 17-2009 oras na manigarilyo ito sa loob ng opisina ng pamahalaan.

Ayon pa kay Duque, personal itong opinion ni Ronquillo at hindi posisyon ng CSC.

Idiniin din ni Duque na hindi naman krimen ang paninigarilyo at hindi ito impeachable offense. May absolute prohibition din aniya ang sinasabi ng nasabing memorandum.

“Ang sinasabi lang sa MC 17 ay ang Department of Health, DepEd at saka DSWD, ito talaga may absolute prohibition. Anywhere in these departments, mga social service department ay bawal talaga ang paninigarilyo.” Ani Duque.

Samantala, tinawag naman ni Duque na ispekulasyon lamang ni Ronquillo ang argumento nitong paninigarilyo ng punong ehekutibo sa presidential residence at grounds ng Palasyo dahil hindi naman niya ito nakita.

May mga smoking area sa mga tanggapan na pawang mga open space rin at malamang na sa open space din naninigarilyo si PNoy, dagdag pa ni Duque.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.