Pagpapasara sa mga Iligal na Radio Station, Tuloy

UMAASA ANG National Telecommunications Commission (NTC) at Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) na magsisilbing babala ang ginawa nilang pagpapasara sa isang illegal radio station sa Quezon City.

Maaalala na ginawa kamakailan ang raid at pagpapasara sa isang himpilan sa One South Triangle Building, Panay Avenue corner Sgt. Esguerra St., Quezon City sa pangunguna ng mga kinatawan ng KBP at NTC, kasama ang PNP-CIDG matapos matuklasang nagsasagawa ng pagbo-broadcast ang nasabing istasyon kahit walang sapat na permiso.

Nabatid na guma-gamit ang nabanggit na himpilan ng 107.9 MHz na frequecy at laan sana para sa isang FM radio station.

Mahaharap ang may-ari ng iligal na istasyon sa kasong paglabag sa Section 12 ng RA 3846 o Radio Stations and Radio Communications Regulation Act.

Samantala, pinakilos na ng KBP at NTC ang kanilang mga kasamahan maging sa mga lalawigan para matunton ang iba pang mga illegal radio stations at makasuhan ang mga nasa likod nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.