Pagpaparehistro sa mga Sim Card, Pag-aaralan

BUKAS ANG Palasyo sa suhestyon ng ilang mambabatas na iparehistro ang mga sim card.

Binuhay ng mga senador ang nasabing panukala sa pagsasabing nagagamit ang mga cellphone sa pagasasagawa ng pagpapasabog tulad ng naganap sa Cagayan De Oro City na ikinamatay ng walo at ikinasugat ng maraming iba pa.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, pag-aaralan nila ang nasabing panukala.

Masalimuot aniya ang naturang usapin lalo’t may implikasyon ito sa constitutional right to privacy.

Samantala, dati nang kinontra ng mga militanteng mambabatas ang nabanggit na panukala sa pagsasabing maaaring gumamit ng ibang pangalan ang mga masasamang loob sa pagpaparehistro ng kanilang sim cards.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.