Pagpapaliban sa Pagdinig sa 2014 National Budget, Tinutulan ni Chiz

TINUTULAN NI Sen. Francis Escudero ang panukala ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban ang pagdinig ng 2014 national budget ngayong araw dahil tiyak daw na maapektuhan ang pagpasa nito.

Sinabi ng mambabatas na sa halip na ipagpaliban ang nasabing pagdinig, ang dapat na gawin ng kongreso ay huwag nang ipatawag ang mga opisyal ng pamahalaan na direktang namamahala sa operasyon sa mga lugar na nasalanta ng super typhoon Yolanda.

“I am worried that we might not finish the budget in time. If at all, we can exempt the attendance of officials who are engaged in relief, rescue and rehabilitation work so as not to affect/delay government action on the calamity,” ayon sa senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.