Pagpapaliban ng SK Polls, Lusot na sa Senado

TULUYAN NANG nakalusot sa committee level ng Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban muna ang Sangguniang Kabataan (SK) elections na dapat sana’y gawin kasabay ng barangay elections sa darating na Oktubre 28.

Sinabi ni Senate committee on local government chairman Sen. Bongbong Marcos na irerekomenda nito sa plenaryo ang pagpapaliban ng SK polls sa loob ng isang taon o gaganapin na sa Oktubre 28, 2014.

Sa ginawang public hearing ng komite ni Marcos na dinaluhan ng mga officials mula sa local government units (LGUs), lumalabas na marami u-manong pabor na ipagpaliban muna ang nasabing eleksyon.

Layon ng pagpapaliban ng SK elections ay hindi para tuluyang buwagin ang konseho kundi upang maisulong ang reporma sa Sangguniang Kabataan.

Samantala, ayon kay Marcos, irerekomenda nito na bago ang October 2014 dapat may mapagtibay nang reporma sa SK upang maidaos ang halalan sa nasabing petsa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.