Pagpapaliban ng SK Polls, Inihirit ng NYC

INIHIRIT NG National Youth Commission (NYC) na ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ikinatuwiran ni NYC Commissioner Percival Cendaña na mainam na unahin ang reporma sa SK.

Kabilang sa repomang ipinapanukala nila sa Senado at Kongreso ang isyu ng edad.

Iginiit ni Cendaña na dapat edad 18 hanggang 21 ang maluklok bilang mga opisyal ng SK, pero kasama sa mga botante ang edad 15 hanggang 21.

Sa ngayon, mga edad 15 hanggang 17 ang namumuno sa SK na ayon sa NYC ay “hindi pa legal age, hindi pa p’wedeng mag-enter to contract. Kadalasan, ‘yung mga matatanda ang nag-e-enter to contract… Minsan, du’n sila natututo ng hindi magagandang bagay sa pulitika… nagiging training ground sa hokus-pokus, ‘yung mga wang-wang sa gobyerno.”

Hiling din ng grupo na maisulong ang anti-political dynasty clause.

Ayon kay Cendaña, nawawalan ng oportunidad ang ibang kabataan na mahuhusay pero hindi kaanak ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Tutol naman sila sa appointment sa SK dahil “kung sino ang may kapangyarihan, ang i-a-appoint niya s’yempre ‘yung malapit sa kanya.”

Samantala, nakatakda naman ang Barangay at SK elections sa darating na Oktubre.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.