Pagpapaliban ng Brgy. Poll, Labag sa Batas

ANG PAMUNUAN mismo ng Commission on Elections (Comelec) na ang naghamon sa Kongreso na siyasatin ang mga kapalpkan sa nakaraang 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes, nakasaad naman sa batas na pagkatapos ng eleksyon ay dapat imbestigahan ng Congressional oversight committee on automated elections ang naging proseso ng elections at ano ang mga problemang dapat solusyunan.

Aminado si Brillantes na nagkaroon ng problema sa official transmissions ng resulta ng eleksyon kung saan naapektuhan ang proklamasyon ng mga kandidato.

Noong nakaraang 2010 presidential elections aniya ay hindi rin nangyari ang pagbusisi ng Kongreso sa katatapos na botohan kaya’t hindi nasolusyunan ang kahalintulad na problema nitong 2013 elections.

Pero sa kabuuan ay pinanindigan ni Brillantes na naging matiwasay ang midterm elections na pilit lamang sinisiraan ng kanilang mga kritiko kaya’t sa susunod na linggo ay bubuweltahan umano ng Comelec ang mga taong nasa likod ng mga batikos.

Samantala, ngayong tapos na ang paghalal ng mga susunod na opisyal ng gobyerno, hindi pa rin umano makapagpapahinga ang Comelec dahil sa susunod na linggo ay inaasahan na nilang bubuhos ang pagsampa ng mga protesta ng mga talunang kandidato kaya’t mungkahi ng poll body na ipagpaliban na ang October barangay elections, sa halip ay gawin sa October 2014 o kaya ay sa January 2015.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.