Pagpapalaya sa mga Political Prisoner, Binuhay ng mga Militante

NAGPINTA NG graffiti sa pader ng Santolan Flyover at gate ng Camp Crame ang mga kasapi ng ilang militanteng grupo na nag-rally sa Quezon City.

Sinabi ng grupong Free Renante Gamara and all political prisoners at Karapatan na nais nilang ipabatid sa publiko na mayroon pang 430 political prisoners ang nakapiit sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dinakip sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Isa aniya sa mga political prisoner na ito ay si Renante Gamara na isang consultant ng National Democratic Front.

Inaresto si Gamara ng mga kinauukulan at nakapiit sa Camp Crame na isa umanong matinding paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG).

Pinangunahan ng anak ni Gamara na si Nicolette ang panawagang palayain ang kanyang ama.

Hindi nila maramdaman ang pag-aaruga ng kanilang mga magulang dahil sa pagkakaaresto sa mga ito, giit ng mga raliyista.

Samantala, hinayaan naman ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga raliyista na kusa ring binuwag ang hanay ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.