Pagpapa-ospital dahil sa tipus, binabayaran ng PhilHealth

DAHIL SA patuloy na pagdami ng kaso ng typhoid fever o tipus sa Tuburan, Cebu at batay na rin sa mga ulat ng Kagawaran ng Kalusugan kamakailan, tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro nito na ang pagpapaospital dahil sa nasabing sakit ay binabayaran ng PhilHealth.

Sinabi ni Dr. Eduardo P. Banzon, Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth na ang tipus ay isang nakamamatay na sakit sanhi ng Salmonella typhi na namamalagi sa mga kontaminadong pagkain at inumin.

Maliban sa lagnat na maaaring tumaas ng 39° hanggang 40° C, nagagawa rin ng sakit na ito ang pahinain ang katawan. Ilan din sa mga sintomas nito ay ang pananakit ng tiyan at kasu-kasuan, sakit ng ulo, pagkawala ng gana sa pagkain, diarrhea, hirap sa pagdumi o di kaya’y pagkakaroon ng intestinal hemorrhage.

Payo ni Banzon sa mga miyembro na “agad na magpakonsulta sa doktor sakaling makaramdam ng alinman sa mga sintomas na nabanggit.” Dagdag pa ni Banzon, “mayroon kaming mahigit sa 1,600 akredited na pasilidad sa buong Pilipinas na maaaring puntahan ng mga miyembro o ng kanilang dependents saka-

ling kailanganin nila ang tulong medikal at maospital dahil sa sakit na tipus.”

Binabayaran ng PhilHealth sa halagang P14,000.00 ang pagkakaospital sanhi ng tipus. Kasama na sa halagang ito ang bayad para sa ospital at sa doktor. “Kinakailangan lamang ng aming miyembro na siguruhing nakapaghulog ng tatlong buwang kontribusyon sa loob ng anim na buwan bago ang buwan ng paggamit ng benepisyo, ” ani Banzon.

Noong nakaraang taon, ang tipus at paratyphoid fever ay pang labing-pito sa mga nangungunang kaso ng pagkakaospital ng mga miyembro ng PhilHealth, kung saan ang PhilHealth ay nakapagbayad ng P310 milyon para sa 42,411 kaso na na-admit sa mga akredited na ospital sa buong kapuluan.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.