Pagpapa-check-up ni Napoles, ok sa whistleblowers

HINDI UMANO tutol ang kampo ng mga whistleblower sa PDAF scandal sa naging desisyon ng Makati City RTC na payagan si Janet Lim-Napoles na maka-

labas ng piitan para magpa-check-up.

Sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ni Benhur Luy na karapatan ni Napoles na sumailalim sa medical check-up at makapagpagamot sa iniindang sakit.

Hinggil dito, handa u-manong tutulan ng kampo ng mga testigo ang anumang hakbang o kahilingan na isailalim ang negosyante sa hospital arrest.

Aniya, nararapat lamang na ibabase sa kanyang kalusugan at dapat umanong kaagad na ibalik sa ordinaryong kulungan.

Sa naging pagdinig sa Makati RTC, nagkasundo ang mga abogado ni Napoles at ang mga government prosecutor na maisailalim sa medical check-up ang negosyante sa Camp Crame General Hospital sa halip na sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Maaalala na si Napoles ay nauna nang naireport na mayroong tumor sa obaryo.

Samantala, naniniwala naman ang mga awtoridad na may banta pa rin sa buhay ni Napoles kaya hihigpitan pa rin ang seguridad dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.