Pagnanakaw sa ATM, naagapan ng mga pulis

DAHIL SA MAAGAP na pagdating ng mga pulis, naagapan ang pagnanakaw sa isang bangko ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek nang tumunog ang alarma ng bangko sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nabatid kay Senior Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City Police, alas-4 ng umaga, nakatanggap ng signal ang kanilang Tactical Operation Center ng alarma mula sa Asia United Bank sa EDSA ng lungsod.

Agad na rumesponde ang mga pulis na natunugan ng mga magnanakaw na naging dahilan upang magtalunan sa likuran pader ng bangko.

Sinira ng mga suspek ang Automated Teller Machine ng bangko subalit wala naman nakuhang pera ang mga ito.

Ayon kay Santos, karamihan sa mga bangko sa nasabing lungsod ay kunektado sa TOC ng Caloocan City Police upang mabilis na malaman ng mga pulis kung may gagawa ng kalokohan sa mga nasabing establisimyento.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.