Pagnanakaw ng P14-K Cellcards sa Tindahan, Huli sa CCTV

HULING-HULI SA kuha ng closed circuit television (CCTV) camera ang ginawang pagnanakaw ng isang grupo ng mga lalaki sa tindahan ng prepaid cellphone cards sa General Santos City.

Nagbubukas pa lang ng tindahan ang mga tauhan nito nang dumating ang ilang kalalakihan at nagpanggap na kostumer.

Sa nakuhang video, mapapansin ang isa sa mga lalaki na nakasuot ng polo na tila naghahanap ng tiyempo.

Tinawag ng isa nilang kasamahan ang tindera at ipinakuha sa display ang baterya habang kinakausap ng isa pang salarin ang isa pang tindera.

Dito na kinuha ng lala-king nakasuot ng polo ang mga cellcard sa drawer at pasimple pa itong tinakpan ng kasamahang lalaki.

Kasunod nito, pinasa sa isa pang kasamahang lookout ang mga cellcard bago nagmadaling umalis ang mga kawatan.

Samantala, aabot naman sa P14, 000 ang halaga ng mga cellcard na natangay ng mga suspek.

Lumalabas na ito na ang ikalawang beses na nanakawan ang nasabing tindahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.