Pagmamatigas ni Gov. Garcia, Insulto kay P-Noy

TINAWAG NG Liberal Party (LP) ng Cebu na insulto kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at sa umiiral na rule of law ang pagmamatigas sa puwesto ni suspended Governor Gwendolyn Garcia.

Sinabi ni LP-Cebu Spokesperson Democrito Barcenas na umaabuso na si Garcia sa paglabag nito sa kautusan ng Palasyo, halos isang buwan nang pananatili sa kapitolyo at paggamit pa sa mga sasakyan ng pamahalaan.

Tulad ng unang inihayag, itutuloy aniya ng LP ang pagsasampa ng mga kaso laban sa suspendidong gobernador.

Kasong administratibo at kriminal ang binabalak na isampa ng grupo laban kay Garcia, isa o dalawang linggo mula ngayon.

Ayon kay Barcenas, ihahain nila ang criminal cases sa Office of the Ombudsman, habang ang administrative cases ay ididiretso sa Office of the President.

Pero hihingin pa rin aniya nila ang permiso ni Interior and Local Government Secretary at LP Chairman Mar Roxas sa pagsasampa ng kaso.

Samantala, nilinaw rin ni Barcenas na hindi sina Roxas at Magpale ang nag-utos ng pagsasampa ng kaso, kundi sariling desisyon ng LP panel.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.