Pagmamadali sa paglilitis kay Corona, ‘di na tama – Depensa

 

UMALMA ANG kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa hirit ng House prosecution panel para sa impeachment court na magtakda ng deadline kung kailan matatapos ang naturang paglilitis.

Ayon kay defense panel spokesman Tranquil Salvador III, iginiit nito na hindi naman tama ang gusto ng prosekusyon na madaliin ang paglilitis sa punong mahistrado.

Ipinaalala pa ng abogado na lahat ng panahon ay ibinigay rin nila sa prosekusyon, kahit malinaw umano sa umpisa na walang hawak na mga ebidensiya at testigo ang mga ito.

Una nang sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, na kailangang matapos na ang paglilitis kay Corona bago ang sine die break ng Kongreso sa darating na Hunyo 8.

Sinabi pa ni Atty. Salvador na bagama’t kanila nang sinasabi na posibleng matatapos sa loob ng tatlong linggo ang kanilang presentation of evidence, subalit maaari pa rin umano itong maantala.

Maari rin umanong makapag-antala sa proseso ang pagtatanong ng mga senator-judges sa testigo.

“Hindi naman po tama iyan. Kasi sila po, they (prosecution) have 25 days (presentation of evidence). Binigyan po sila ng sapat na panahon,” giit ng abogado.

Ngayong araw, mu-ling ipagpapatuloy ng impeachment court ang paglilitis sa punong mahistrado.

Kinumpirma naman ni Salvador na una nilang ipatatawag sa witness stand si dating Manila Mayor Lito Atienza.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.