Sipat-eklat #174: Paglipat ni Binoe sa Dos, hinarang ng Siyete?

SIPAT: LAWYER ang BOYFRIEND ni ROSANNA ROCES. BALAK na raw MAGPAKASAL ng DALAWA.
EKLAT: Kaya pala ang LAKAS ng LOOB ni OSANG na BANATAN ang mga REVILLA. ‘Pag na-LIBELO may TAGAPAGTANGGOL na siya!

SIPAT: Si ROBIN PADILLA mismo ang FIGHT INSTRUCTOR ni BB GANDANGHARI sa MOVIE na GAGAWIN nila.
EKLAT: Si BB GANDANGHARI naman ang BAHALA sa HAIR & MAKE-UP ng CAST!

SIPAT: HINDI MABANGGIT ni BINOE ang TERM na ‘BAKLA.’ GANDANGHARI ang LAGI niyang SINASABI sa GENDER ni RUSTOM, e.
EKLAT: Uy, HINDI HOMOPHOBIC si BAD BOY, ‘no!

SIPAT: May LOVE SCENES sina KIM CHIU at GERALD ANDERSON sa BAGO nilang PELIKULA.
EKLAT: BIG DEAL na ‘yon? ‘KASAWA nang PROMO GIMMICK!

SIPAT: READY na raw sa ‘DARING’ ROLES si MELISSA RICKS.
EKLAT: Teka, GUSTO niya bang mag-DEATH DEFYING STUNTS o magpa-SEXY?

SIPAT: ‘ANO ang DAPAT ABANGAN ng mga TAO sa PELIKULA mo?’ Tanong ng SHOWBIZ WRITER sa pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.
EKLAT: ‘SECRET!’ Sagot ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.

SIPAT: ‘May KISSING SCENE ba kayo ni [ACTOR] dito?’ Tanong uli ng SHOWBIZ REPORTER.
EKLAT: ‘Ay, SECRET talaga!’ Sagot uli ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.

SIPAT: ‘AFTER ba nito, may PAGTATAMBALAN uli kayo ni [ACTOR]?’ Tanong pa rin ng SHOWBIZ REPORTER.
EKLAT: ‘SECRET muna ‘yan, siyempre,’ sagot na naman ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.

SIPAT: Ang ENDING, mega FLOP ang MOVIE ng pa-CUTE na YOUNG ACTRESS.
EKLAT: At HINDI SECRET ‘yan!

SIPAT: MATABA yata si ANGEL LOCSIN ngayon. Medyo MAPINTOG ang PISNGI niya sa THE BUZZ, e.
EKLAT: BIGYAN n’yo na kasi ng TRABAHO, Kapamilya! DAGDAGAN n’yo na rin ng NEW LOVE.

SIPAT: Teka, HINDI na rin si ALBERT MARTINEZ ang ka-LOVETEAM ni KRIS AQUINO sa KUNG TAYO’Y MAGKAKALAYO? Si GABBY CONCEPCION na?
EKLAT: ‘Eto ang MAHUSAY na PUBLICITY GIMMICK. NAKAKAHILO, e!

SIPAT: HINARANG ng GMA-7 ang PAGLIPAT ni BINOE sa ABS-CBN? HINDI raw kayang TANGGIHAN ni BAD BOY ang OFFER ng KAPUSO, e. BULONG ng isang SOURCE.
EKLAT: Ah, SIGURO ‘yan na naman ‘yung SIYA na ang BIDA. SIYA na rin ang DIREKTOR. SIYA pa ang SCRIPTWRITER…

SIPAT: Teka, BAKA naman ‘yan din ang DAHILAN kaya HINDI NATULOY si BINOE sa KAPAMILYA?
EKLAT: PUWEDE!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “Sipat-eklat #174: Paglipat ni Binoe sa Dos, hinarang ng Siyete?

  1. Sobrang successful na talaga sina Kim and Gerald kaya binabato ng husto. Wala naman silang ginagawang masama. Kawawa naman itong dalawa na ito lalo na si Kim na sobrang bait.

  2. eH! ano ngayon kong may love scene ang pelikula sina gerald at kim!!! ….. kahit may kilig kilig pa yan, wala akong pakialam!!! basta ako di ko panonoorin yan, nuh! alam ko naman na napakakorni ng dalawang ito! at wala pang talent sa pag arte, ka OAyan lang ang ang alam nilang gawin!!!!

  3. YES! nakakasawa na talaga ang mga PROMO GIMMICK ng dalawang ito (KIM CHU AND GERALD ). pati sila nakakasawa at nakakasuka na! Buang pa ang mga fans!

    • echusera kah noh… si kris bernal yung pa-cute na Young actress noh hndi cla kim kya nga mega ung movie nila ni aljur..

      • kahit na sino pa ang may promo gimmick na yan! (kim at gerald), parehas din ang promo gimmick nila puro pa cute, pa kilig!!! wala din pinag iba !!!!! mas grabe pa nga itong si kim na pa cute eh! ay naku tigilan nyo ako sa mga pa cute cute yan! walang kuwenta!!!!

  4. sa only yuck este only you pa lang mataba na talaga si angel
    meron siyang bilbil at lumaki ang balakang niya.. pero sandali yun naman ang gusto niya hindi ba? ang mahabang pahinga hahaha kaya huwag na siyang magreklamo uli na kesyo 9 months or ilang buwan siyang walang ginagawa..

    hindi naman siya nawawala sa eksena dahil alam na alam niya kung paano magingay o paingayin ang kanyang pangalan. kaya ito ang tanong ko kailan siya babalik sa mindanao? LOL!

  5. si kris bernal yung pa-cute na Young actress (nga ba?) kasi naman day, mga katulong na walang sahod mga tagahanga nyong dalawa kaya walang pampanuod ng sine, hala, sa TV nalang kayo at libre, or apply si kris bernal sa Warner Brothers, live version ni Tweety bird hohohohoho!

Leave a Reply

Your email address will not be published.