Paglilipat sa Pangalan ng Titulo ng Lupa

Dear Atty. Acosta,

PAANO MAILILIPAT sa aking pangalan ang titulo ng lupa na aking binili? May nilagdaan na Deed of Absolute Sale ng dating may-ari nito. Nais ko sanang gamitin ito bilang collateral sa loan sa bangko.                                                      

Gina

 

Dear Gina,

UPANG MAILIPAT ang titulo ng lupa sa iyong pangalan, kinakailangan mong iparehistro ang Deed of Absolute Sale sa Register of Deeds ng lugar kung nasaan ang lupa na iyong binili. Kinakailangan ding isuko ng dating may-ari ng lupa ang kanyang duplicate certificate of title sa Register of Deeds. Ang pagbibigay nito ay ang ituturing na konklusibong awtoridad mula sa nakarehistrong may-ari ng lupa na magsagawa ng panibagong certificate ukol sa lupa na kanyang ibinenta. Kapag narehistro na ang Deed of Absolute Sale, naisuko na ang owner’s duplicate certificate of title, at nabayaran na ang mga “taxes” gaya ng “capital gains at transfer tax” hinihingi ng batas at regulasyon sa pagbenta at paglipat ng titulo ng lupa, kakanselahin na ang titulo ng dating may-ari nito at mabibigyan ka ng panibagong titulo na nasa iyong pangalan.

Bilang may-ari ng lupa, maaari mong gawin ang lahat ng iyong naisin sa iyong pagmamay-ari nang walang limitasyon maliban na lamang sa mga isinasaad ng ating batas (Article 428, New Civil Code of the Philippines). Maaari mo itong ibenta o ipagkaloob nang libre sa ibang tao sa pamamagitan ng isang donation. Maaari mo rin itong magamit bilang isang collateral sa isang pagkakautang. Upang magamit mo itong collateral, kinakailangan mong magsagawa ng isang contract of mortgage. Ang mga sumusunod ay mga batayan upang maging legal at may bisa ang isang contract of mortgage ayon sa Article 2085 ng Civil Code: 1. It must be constituted to secure the fulfillment of a principal obligation;

2. The mortgagor must be the absolute owner of the land mortgaged; 3. The mortgagor must have free disposal of his property or in the absence thereof, that he is legally authorized for the purpose of the Philippines.

Kinakailangan ding nakarehistro sa Registry of Deeds ang kontrata ng pagsangla. Kapag narehisto ito, magkakaroon ng anotasyon sa titulo ng lupang isinangla ukol dito. Ito ang magsisilbing pagpapaalam sa ibang tao o sa publiko na ang lupang iyon ay ginamit upang seguruhan ang isang pagkakautang.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

9 thoughts on “Paglilipat sa Pangalan ng Titulo ng Lupa

  1. Hello po atty,tanong ko lang po kung pwede ba namin buwisan yong kinuha naming bagong titulo ng lupa ng tatay ko.iba na kasi yong naka pangalan sa deklarasyon nong pinuntahan ng kapatid ko sa munisipyo namin.maraming salamat po..

  2. hi po atorney magkano po ang magagastos ko sa paglipat ng panganlan sa titulo ng lupa samin ng mr.ko 165k po ang halaga ng lupang nbili nn

  3. Hi attorney.. nais po ng mother ko na ilipata ng name ng lupa sa pangalan ko anu po b ang tamng proseso

  4. Mam tanong ko LNG po kung ano anong mga requirements ang Kelantan ko ihanda sa pagpapasukat ng lupa..deed of sale LNG po any hawak ko ngayon.matanda n po kc ang may ari kya gusti ko hbang buhay p ay mgkron n kmi ng sariling titulo.at mgkno po b aabutin maliit lng nman po 40sq meters lng.salamat po sa sagot..Godbless

  5. Maam kung buhay pa po ang nakalagay sa titulo (yung mother) paano at anong proseso po ba ang dapat para malipat sa solong anak ang pangalan ng lupa?

  6. Gaanu rin po ba katagal bago mabibigay ng bir ang (car) bago ako sa r.d at Ilan months po ang pag aantay bago I release ng r.d ang titulo naka pangalan sa amin mag asawa salamat po

  7. Gud eve po atorney Anu ano po ba mga docs ang Dapat ko ibigy para ma transfer ang titulo sa pangalan nmin magasawa saan muna po ba ako una pupunta sa municipio at sa kapitolyo bago sa bir at r.d salamat po

  8. Gud eve po atorney Anu ano po ba mga docs ang Dapat ko ibigy para ma transfer ang titulo sa pangalan nmin magasawa saan muna po ba ako una pupunta sa municipio at sa kapitolyo bago sa bir at r.d salamat po

  9. tanung ko lang po mas mauuna po ba ang pag lipat nang titulo nang lupa sa bagong may ari bago ang pagpaparelocate nito?panu po pag may problema ang lupa gaya nang may naghahabol na kapatid o ibang tao sa lupa o kaya nag overlap yung sukat nang titulo sa katabing lupa?maililipat pa din po ba ito basta may absolute sale?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.