Paglilipat ng BoC Functions; ‘Di pa Pinal

NILINAW NI Finance Secretary Cesar Purisima na hindi pa pinal ang planong paglilipat ng ibang functions ng Bureau of Customs (BoC) sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni Purisima na i-pipresenta pa nila ang ganitong mungkahi kay Pangulong Noynoy Aquino III sa mga susunod na araw at kung sakaling maaprubahan ay saka lamang ito uusad.

Kabilang sa malaking konsiderasyon ng BoC ay ang makabago at maaasahang information communications technology infrastructure na nasa BIR.

Ayon kay  Purisima, nasubukan na ang computerized programs ng BIR sa ginagawang data-banking at cross-checking information para sa milyun-milyong tax payers.

Samantala, maaalala na una nang inamin ng mga opisyal ng BoC na hirap silang mahabol ang mga smuggler dahil sa mali-maling detalye ng consignee at maging ng iba pang sangkot sa mga ipinupuslit na kargamento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.