Paglalayag sa Likod ng US Embassy, Bawal Muna

IPINAGBAWAL NA mu-na ang pangingisda at paglalayag malapit sa Embahada ng Amerika sa Maynila.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Lt. Commander Armand Balilo na bahagi ito ng precautionary measures kasunod global travel alert ng US, dahil sa umano’y planong pag-atake ng al-Qaeda sa Gitnang Silangan at hilagang bahagi ng Africa.

Nagpapatrolya na ang dalawang rubber boats at dalawang sea crafts ng PCG sa paligid ng US Embassy. Umiikot sila sa breakwater hanggang Baywalk area.

Samantala, naglabas na rin ng notice to mariners ang PCG para agad maipaalam sa kanila sakaling may mamataang kahina-hinalang barko o anumang sasakyang pandagat sa paligid ng embahada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.