Paglalabas ng Pork Barrel sa NGOs, Hihigpitan

MAGHIHIGPIT NA ang gob-yerno sa pagbibigay ng pondo sa mga non-government organization (NGO).

Ito ay kasunod ng isyung napunta sa mga pekeng organisasyon ni Janet Lim-Napoles ang halos P10 bilyong pork barrel ng ilang senador at kongresista.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagpahayag na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Agriculture (DA) ng instensyong paigtingin ang akreditasyon at monitoring sa mga NGO.

Aalamin pa ng Malacañang ang posisyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kaugnay ng pork barrel matapos lumabas ang ulat ng Commission on Audit (COA) sa mga iregularidad sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Una nang tumutol ang pangulo sa panukalang tanggalan ng pork barrel ang mga mambabatas.

Wala naman anyang sisinuhin ang gobyerno sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa sinasabing maanomalyang paggamit ng pork barrel.

“Let’s go through the entire report and, ito lang naman po ‘yung malinaw doon, na we go where the evidence will take us. So that is very clear for us at that juncture na kung ano po ‘yung ipapakita ng ebidensya, doon po dapat pumunta ‘yung kaso.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.