Paglalabas ng Accredited Party-List, Naantala

INAMIN NI Comelec Spokesman James Ji-menez na nagkaproblema ang paglalabas nila ng opisyal na bilang ng mga accredited partylist para sa halalan sa 2013.

Sinabi ni Jimenez na hindi na nila mailalabas sa dating schedule ang naturang listahan na nakatakda sana ngayong buwan at sa halip ay sa huling linggo na lamang ng Oktubre.

Paliwanag naman ng Comelec, nakaabala sa kanilang proseso ang mga nakahaing petisyon bukod pa sa napakaraming aplikasyon ng mga sektor na gustong sumali sa party-list election.

Sa ngayon kasi ay may mahigit 300 ang nakabinbing aplikasyon, habang mahigit 100 lamang ang posibleng bigyan ng akreditasyon.

Ginagawa nila ang lahat ng pagsisikap upang huwag masira ang kanilang sinusundang time-line para sa election preparation, paglilinaw ni Jimenez.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.