Pagkilos ng ilang militanteng grupo sa Labor Day, kasado na

ILANG ARAW bago ang Labor Day, nagsagawa na ng ilang pagkilos ang ilang grupo ng mangagawa.

Kabilang dito ang paggunita sa International Workers’ Memorial Day ngayong araw bilang pakikiisa ng mga grupo sa pag-alala sa mga construction worker na nasawi habang nasa trabaho sa iba’t-ibang lugar sa buong mundo.

Nagsimula nang mag-

alay ng bulaklak at nagsindi  ng kandila ang grupo ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) at Building and Wood Workers’ International sa isasagawang ritwal sa Barangay Bagong Silang, Caloocan kahapon.

Magmamatrsa naman sa Mendiola ang ilan pang grupo ng mga manggagawa ngayong araw.

Susubukan nilang ma-kalapit sa Malacañang upang ipaabot kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang kanilang mensahe at panawagan para sa agarang pagpapatupad ng umento sa sahod, wakasan ang kontraktwalisasyon at pagsusulong ng occupational health and safety sa mga pinagtatrabahuhan ng mga manggagawa.

Samantala, lumalabas sa mga pag-aaral na nasa 2 milyong manggagawa sa buong mundo ang namamatay kada taon dahil sa mga work related na sakit at mapanganib na working condition.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.