Pagkatapos ni Richard Gutierrez, si Baron Geisler naman: Aljur Abrenica, takaw-gulo!

BAKASYON MUNA AKO rito ngayon sa Singapore dahil binigyan kami ng bestfriend kong si Mikaela Bilbao ng libreng ticket with accommodation rito pa sa Stamford Hotel.

Bongga talaga si Mikaela at spoiled ako ha, pati ang iba kong pang mga alagang reporter.

Pagdating namin dito nu’ng Linggo, nakaramdam ako ng lungkot dahil ang una kong naalala, si Rudy Fernandez.

Kasi ang huling punta ko rito sa Singapore, kasama ko siya at si Lorna at nag-cruise pa kami. Na-miss ko na naman siya.

Enjoy ang mga bakla sa kaiikot dito, ako naman tulog lang nang tulog sa hotel.

Nababalitaan na lang ako ng kung anong nangyari riyan sa Maynila at isa na nga rito ang nangyaring gulo sa shooting nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Bohol.

Lasing na lasing daw itong si Baron Geisler na sinuntok si Aljur na wala namang ginagawa.

Nakakaawa naman itong Aljur. Mabait naman siya at hindi naghahanap ng gulo pero laging nasasangkot sa ganu’ng insidente.

‘Di ba napagtripan din siya minsan ni Richard Gutierrez nu’ng nalasing din itong huli? Pero wala kang narinig sa kanya noon at hinayaan na lang itong palagpasin.

Pero itong nangyari sa kanila ni Baron, dapat na may gawin na ngayon ang GMA Artist Center para mabigyan naman ng proteksiyon ang young actor.

Ang dami na ngang naglabasang kuwento tungkol sa gulong ito, dahil iniiwasan na baka makaapekto pa raw sa pelikulang ginagawa nila.

Dapat na magsalita si Aljur at sabihin kung ano talaga ang totoo dahil kawawa naman siya kung si Baron pa ang puproteksiyunan dito. Dapat iwasan na talagang makatrabaho itong Baron at siguro magpa-rehab na muna siya dahil hindi talaga siya matino kapag nalalasing. Sayang lang dahil magaling pa naman siyang aktor.

PURSIGIDO NGAYON SI Nadia Montenegro sa pagpapayat. Naging endorser siya ngayon ng Mikaela at dadaan siya sa Med Contour Slimming na kung saan ang target nila ay matatanggalan ito ng 60 to 70 pounds sa loob ng apat na buwan.

Dalawang linggo pa lang nga itong prosesong ito kay Nadia, nabawasan na raw siya ng 6 pounds, kaya tuluy-tuloy na raw ito.

Kapag pumayat daw siya posibleng babalik siya sa pag-aartista at ang ganda-ganda na naman ngayon ng hitad!

Pagod na raw kasi siya sa mga naririnig niyang sayang ang ganda niya dahil napakataba niya.

iInayagan naman daw siya ni Boy Asistio na magpa-Med Contour Slimming sa Mikaela para naman sa ikabubuti ng sarili niya.

Kaya lang, kapag payat na si Nadia, mataypan pa kaya siya ni Boy, eh, mga matataba ang type nito, ‘no?!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

26 thoughts on “Pagkatapos ni Richard Gutierrez, si Baron Geisler naman: Aljur Abrenica, takaw-gulo!

  1. Nasa likod mo kami Aljur!
    Sinusuportahan ka namin from the start na nasa Starstruck ka pa lalo sa Dapat ka bang Mahalin at etong All My Life na parehong panalo. Good luck sa Aljur and Kris!

  2. dapat nag disiplinahin yan, yung kay richard hindi masyadng inisue na seven kasi artiosta at isa sa leading man nila yon pero obiuosly naman na si richard din may kasalanan non! si baron, may sira na talaga sa ulo yan

  3. Disiplina lang sana sa set to baron geisler this is not the first time na naintriga about issues in taping..for example nalang yung kay yasmien

  4. First of All,,Bakit hinahayaan magkaroon ng laseng sa SEt?

    yun na yung tanung eh..hindi na dun sa kung sino nag

    umpisa ng away..hindi na dun umiikot yung question

    e..thats the big point.and what is this called parrot na

    inihaw pa??

  5. Si Aljur ang biltima dito. Si Chard ay “Batok King” a mahilig sa gulo at si Baron ay known sa pagiging barumbado.

  6. July 13, Monday

    as in JULY 13 NILAMPASO NA NAMAN NG ONLY YOU ANG POKALINDA ah este, ROSALINDA!

    Daytime:

    1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 29%
    2. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) – 25.6%
    3. Ngayon at Kailanman (GMA-7) – 22.4%
    4. Hole In The Wall (GMA-7) – 21.7%
    5. Daisy Siete (GMA-7) – 21.6%
    6. Wowowee (ABS-CBN) / Kambal Sa Uma (ABS-CBN) – 17.9%
    7. Hunter X Hunter (GMA-7) – 16.1%
    8. Chil Princesses (GMA-7) – 14%
    9. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 13.9%
    10. Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers (ABS-CBN) – 12.7%

    Primetime:

    1. Zorro (GMA-7) – 31.1%
    2. 24 Oras (GMA-7) – 29.5%
    3. May Bukas Pa (ABS-CBN) – 29.4%
    4. Tayong Dalawa (ABS-CBN) – 29%
    5. Only You (ABS-CBN) – 28.2%
    6. TV Patrol World (ABS-CBN) – 26.6%
    7. All My Life (GMA-7) – 25.4%
    8. Rosalinda (GMA-7) – 24.5%
    9. Adik Sa ‘Yo (GMA-7) – 23.4%
    10. Boys Over Flowers (ABS-CBN) – 22 %

    Source: AGB Nielsen Philippines via PEP

    NASA NUMBER EIGHT YUNG ROSALINDA!
    NILAMPASO..

    ptooey!

  7. infairness gwapo si aljur, dapat sa mga mayayabang hindi na pinag aartista like richard and baron

  8. may potential at talagang may potential kasi itong si aljur.. naiinsecure siguro dahil mas magaling sa fight scene si aljur kesa kay baron lasenggo

  9. kasi mga matagal na sa showbiz si richard at bvaron kaya inaalipusta nalang yung mga baguhan.. di hamak na magaling na actor naman itong si aljur kesa don sa dalawa at si rtichard mayaman kasi.. kaya giinaganon itong si aljur

  10. Lalo akong nainis kay Baron. Dapat huwag na siya imanage ni Direk Maryo delos Reyes para wala na kumuhang producer sa kanya. Kaya lang naman siya nagkaka project eh dahil kay direk. Binitawan na nga siya ng Star Magic dahil sa bad attitute eh.

  11. Good luck sa lahat ng shows niyo ni Kris, ang cute nyong tingnan.
    Parati kaming nanonood ng All My Life kasi till 4pm lang pasok ko sa school. Mga friends ko pinag-uusapan namin eto tsaka ang pogi mo.
    Take care.

  12. Ang cute-cute talaga ni Aljur, hay.
    AlKris, more power!
    Congrats sa All My Life sa back-to-back winner w/ DKBM, taob ang mga katapat ng 2 shows na yan.

  13. Good luck Aljur!
    Gwapo mo, ingat parati at stay being humble, nice, friendly….
    Walang hiya ka Baron dapat sayo ipa-rehab kasama ang mayabang na si Zorrot!

  14. Go papa Aljur!
    Crush ka sa lugar namin.
    Ang ganda ng All My Life kaya pala hindi makapiyok man lang ang BOF. Ang galing! Panalo!

  15. Ang cute mo talaga Aljur so hunk.
    Congrats sa lahat ng blessings!
    Inaabangan namin parati ang All My life sana naman after 24 Oras kasi minsan di namin naabutan.
    Dapat dyan kay Richard at Baron karmahin, mga mayayabang at lasenggo.

    • Baka ikaw mukhang sanggano o losyang, pathetic, ang cute ni Aljur, hunk pa. Malamang eto kumain ng ilang dosenang ampalayabitter. u are such a loser yaya,,haha sabi nga ni Angelina.

      • sino naman nagtatanong sau kung san ka
        nakasubscribe?? huh?? BOBITA!! hahahhaa!!

      • my point is kaya d kilala yang aljur na yan dahil wala akong GMA, getz mo.STUPID!

      • kung hindi mo sya gusto, wag kang mag-comment at sabihing sanggano kasi ang layo nys sa pagiging sanggano pic palang yan di mo pa sya nakita personally na better sya at marami syang ibang pics. Kung wala kang masabing matino, wag kang mag-comment.

  16. sana nga ay magtagumpay ang mikaela sa kanya dahil sayang talaga siya. si nadia at si arlene mullach ay parehong meron magagandang mukha, yun nga lang pareho silang malusog. you just need a strong determination nadia so go girl!

    • siyanga pala lolit, bakit naman tinanggal mo ang karapatan namin na makapag-post ng comment sa sa column mo sa pilipino star? ayan tuloy, gusto ko man mag post ay hindi ko magawa. sana ibalik mo na at wag mo na lang pansinin ung mga taong lumalait sa iyo kung dun sila masaya eh wala kang magagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.