Pagkatapos ng Wowowee Sharon, tsutsugiin na rin sa Dos!

MARAMI na naman ang maiinggit kay Aljur Abrenica, dahil bukod sa mahahalata na naman ngayon na talagang nakatututok sa kanya ang panahon ng GMA-7 para patuloy siyang pasikatin, iyon naman talaga ang nangyayari. Kasi nga, sa bakuran ng Kapuso network, siya rin naman ang paborito ngayong makapareha ng mga pinasisikat din nilang aktres. At maging ang mga datihang artista ng Siyete ay naaaliw na makatrabaho ang guwapong aktor, dahil simple lang siya, at hindi pa showbiz na showbiz ang dating.

Masarap daw paglaruan ngayon ang showbiz career ni Aljur, dahil parang ang dami-daming pupuwedeng mangyari. Una na nga riyan ‘yung sobra siyang pinagpapantasyahan ng kabadingan at kababaihan. Konting hasa pa sa kanyang acting ability, kandidato na siyang humilera sa mga nagkakaedad nang sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at Dennis Trillo na mga pambatong aktor ng GMA, na mga narating na ang kasikatan ng pagiging artista nila.

Magkapareha ngayon sina Aljur at Rhian Ramos sa bagong teleserye ng Siyete. Nakakalalaki siyempre ang dating ngayon ng sex appeal ni Aljur, dahil noon pa man ay sinabi na niya na crush niya si Rhian, at iyon ay sa panahong magka-loveteam pa sila ni Kris Bernal. Nagkakalapit na siyempre ngayon sina Aljur at Rhian, dahil pinanindigan talaga ng guwapong aktor ang sinabi niya noon, na gusto talaga niyang maging close sa tisay na young actress.

Sa dami ng mga magseselos kay Aljur sa closeness nila ngayon ni Rhian, isa kaya si DJ Mo Twister sa mga makakaramdam ng aray sa puso?

KAHIT umamin na si Ara Mina tungkol sa kanyang lovelife, kung saan ay isang napakapribadong tao ngayon ang kanyang karelasyon, na bagama’t hindi niya ibinigay ang tunay na pangalan ng nasabing businessman, ay Moy ang palayaw na ipinakilala niya. Marami sa mga nagmamahal sa kanya ang nag-aabang kung sa kasalan na ba hahantong ang nasabing relasyon. Kasi nga, hindi na bumabata ang seksing aktres, lalo pa’t ang mga kasabay niyang umentra sa showbiz ay may mga asawa na.

Marami ang nagtataka kung bakit kahit sinabi ni Ara na tanggap naman daw siya ng pamilya ng bago niyang karelasyon ay hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kanilang pagpapakasal? Sa ngayon kasi, parang umaasa pa rin at naghihintay ang sister ni Cristine Reyes na pormal na siyang kausapin ng kanyang boyfriend tungkol sa dapat na maging plano nila sa pagkakaroon ng pamilya. Huwag tayong magpaka-morbida, pero siya na nga kaya ang huli at tamang lalake para sa aktres?

Marami pa naman siyempreng nakapilang mga manliligaw si Ara na pupuwede niyang pagpilian. Kapag ang kasalukuyan niyang karelasyon ay hindi pa niya nakatuluyan, nakakalungkot naman. Nakakaawa na rin si Ara, dahil mapagmahal siya sa kanyang pamilya, sobrang nagsipag na siya sa career para makapag-ipon, at lagi nga siyang sumasabak magnegosyo na sa dakong huli ay nagsasara at nalulugi rin naman. Ilang pagkabigo na rin sa mga nakaraang relasyon ang naranasan niya. Kaya dapat maging maligaya na rin siya talaga.

KUNG sa bakuran ng ABS-CBN ay nagsara na ang programang Wowowee ni Willie Revillame at napalitan na ito ngayon ng Pilipinas Win Na Win! nina Kris Aquino at Robin Padilla, ang programang Sharon naman ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kinumpirma ni Direk Jose Javier Reyes na magsasara na rin daw. Pero nasa plano naman diumano, na bibigyan ulit ang mommy ni KC Concepcion ng bagong programa.

Marami siyempre ang nagugulat, dahil walang katiyakan ang mga pangyayari sa larangan ng telebisyon. Isang panggulat nga ang nangyari, na habang inaabangan ng kanyang mga tagasuporta ang pagbabalik ni Willie sa iniwan niyang programa, pagkatigbak pa ang nangyari. Ganu’n din naman itong Sharon na mukhang pinapaganda pa, pero hayan at pinag-uusapan na nga na mawawala na rin sa ere.

Ipinagdiriinan, na ‘yung sobrang katabaan daw ng Megastar bilang host ng programa ang isa sa hindi magandang tanawin sa nasabing show. Pero mayroong mga nagtatanggol naman, na huwag na raw gawin pang isyu ang katabaan ng aktres, dahil isa talagang malungkot na problema iyon. Hirap talagang magpapayat ang mommy ni KC dahil sa dinaanan niyang problema sa huli niyang panganganak sa bunso niyang si Miel Pangilinan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

18 thoughts on “Pagkatapos ng Wowowee Sharon, tsutsugiin na rin sa Dos!

  1. Buti nga wala ng Willie sa dos ngayon relax na akong manood ng PWW…nakakainis kasi pag kumanta na siya naiirita ako sa boses niya at sa mga promotion niya ng sarili niya..Pasalamat siya na bigyan siya ng chance at naging milyonaryo dahil sa ABS..Ngayon sama sama silang lahat na mga masama ang ugali at walang respeto sa kapwa sa istasyon na desperado kaya kinuha lahat ng masama ang budhi!

  2. naco nasa simply kc si sharon maya magiging o.a overload na tatawa ng tatawa yan si kc naman aarte ng aarte chovang magina|!!!

  3. ay chupainnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn ko pa titi nyo ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh eklat sepat cheeeeeeeeeeeeeeeeee

    • GAWIN MO KAYA SA MGA KAPATID MO AT SA MAGULANG MO YAN PARA MASIYAHAN KA AT HINDI KA NAMBABASTOS DITO. HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG BAKIT TUMATAAS ANG BILANG NG MAY AIDS DYAN SA PINAS AT IYAN AY DAHIL SA MGA KATULAD MO NA HINDI PINAHAHALAGAHAN ANG BUHAY AT NAGHIHINTAY NA LANG NG BASBAS NG PARI.

  4. Ipagsama na lang si Sharon at KC sa Simply KC… Gawing Shawie at KC. Para naman kahit papano may panlaban sa magiging show ni Carmina at Zoren.

  5. panu no substance na ang sinasabi at kilos ni mrs. pangilinan. oa na lumalantud pa susme sharon mahiya kayo nga anak mo dahil alam ng buong pilipinas patay na patay ka pa rin kay gabby concepcion

  6. Palitan na ang show bago tuluyang maasar ang mga viewers..walng problema kung mataba..ang problema, ang kaplastikan at ka-OA-yan nya..si KC tuloy nagmamana na din sa kanya..napaka-insincere pag nag-iinterview sa show nya..tanong lang ng tanong pero alang substance..kumbaga e MML–may masabi lang..

    I-remake na lang nya ang Crying Ladies sa TV, matutuwa pa ako..

    ako daw o! lolz

  7. si sharon ay magaling mag host d nman tatagal nng matagal n taon kung d maganda ang show at pag host nya,pero ung pisikal nya nga ang nkakasira,dahil s malusog sya ang mga viewers nya hinahanap ang maganda at sexy s kanya ganun npaka hirap gawin dla nang huli nyang pinagbubuntis…pero para s akin si sharon ay megastar parin…

  8. kaya po tumaba si sharon dhil madalas syang lumunok ng tamod…he he..pampaganda daw ng boses he…he diba pangit boses nya….

  9. Hindi nga katabaan ni Sharon ang malaking dahilan, pangalawa lang yung mataba siya. Ang unang reason, ANG PANGIT PANGIT NA NG SHOW! pangatlo? ANG OA OA NIYA! Feeling teen ager kung umasta. Nabibilaukan at tumatalbog pa siya kung tumawa samantalang wala naman masyadong nakakatawa hahahaaha! Katulad neto. Hay….

  10. Hindi ang katabaan ni Sharon ang dahilan kung bakit tatanggalin ang show niya. Ang problema ng show, parang comedy bar na ang format at tuwing guest sina Vice Ganda at Chokoleit, sila ang mas lutang na lutang at hindi si Sharon.

    Isa pa, sa mga huling episodes ng Sharon, parang ASAP ang format kasi panay promo ang mga guests niya tulad nina Bangs Garcia, Maja Salvador, Judy Ann Santos at Sarah Geronimo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.