Pagkatapos ng Unos: Vhong Navarro, ikakasal na!

Vhong Navarro

SA GRAND LAUNCH ng laugh trip movie ni Vhong Navarro with Lovi Poe na “Woke Up Like This” ay topic ang nalalapit na pagpapakasal ng comedian-host sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Bautista.

 

Never naman itinago ng komedyante ang tungkol sa kanila ng karelasyon na open-secret na sa showbiz.

 

Sa topic ng kasalan ay wala pa rin ibinibigay na detalye si Vhong.

“Basta, malapit na. Malapit na malapit na,” panigurado niya sa mga press people na nangungulit sa kanya.

 

 “Sobrang close na close na. Ayokong sabihin yung taon, kasi naano, e.

“Bawat ano kasi sa akin, nauudlot,” pagkukuwento niya sa press.

“Yung girlfriend ko kasi, ayaw niya ng sorpresa talaga,” dagdag ni Vhong,
 
Loving and understanding si Tanya sa estado ng katipan. Sabi ni Vhong: “Naiintindihan naman ni Tanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa talaga ako nagpu-propose ng kasal sa kanya.
 
“Sobrang understanding naman siya. Laging nasa likod ko naman siya lagi. Kumbaga, kung anuman ang mga bagay na nangyayari, todo suporta talaga siya.”
 
Ayon kay Vhong, isa sa mga dahilan kung bakit natatatagalan ang pagpapakasal niya kay Tanya ay dahil sa kasong kinahaharap pa rin niya noong 2014 na kinasasangkutan nina Deniece Cornejo at Cedric Lee involving him sa rape case na inasunto sa kanya.
 
Paniwala ng komedyante, ang mga ganitong mga pagkakataon ay kasama sa mga pagsubok na dumarating sa tao.
 
Paniwala ni Vhong: “Kasama ito sa daloy ng lahat sa buhay ko, yung mga pagsubok na ganito, e, dapat matanggap natin ‘yan.
 
“Kumbaga, hindi naman puwedeng huminto ang isang pangarap natin, sa isang taong naghihintay sa atin, at heto nga yun girlfriend ko, di ba? Kaya nga, sabi ko, ayaw kong magsabi ng taon o buwan kung kailan. Bibiglain ko na lang siya.”
 
Para sa komedyamte, hindi dapat sumusuko ang tao kahit down na down na ito. “Tulad sa kaso na ito. Alam ko matatapos din ito sa tamang panahon.”
 

Vhong dancing with Mother Lily with Cora Waddell & Yana Asistio

 
Sa panayam, medyo naging emotional si Vhong na for a change ay pinagusapan na lang ng press ang kanyang bagong happy and laugh trip movie na showing na sa August 23 under the direction of Joel Ferrer para sa Regal Films.
 
In the movie, he plays Lando na sikat at hari ng basketball court at si Lovi naman playing Sabrina ay isang ramp model.
 
Imagine, isang umaga ang basketbolista ay naging girl at naging karakter ni Sabrina ay riot ito sigurado.
 
Kasama ng dalawa sa pelikulang pampa-good vibes sina Joey Marquez, Bayani Agbayani, Cora Waddell, Dionne Monsanto, Yana Asistio at ang childstar na si Raikko Matteo.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.