Pagkatapos ng first kiss at first date
Jodi Sta. Maria at Richard Yap, sa simbahan na ang tuloy?!

LOYAL FANS of the series Be Careful With My Heart are raving about the ‘nakakikilig’ moments of Maya (Jodi Sta. Maria) and Sir Chief (Richard Yap). Mukhang mas lumalalim na ngayon ang samahan ng dalawa na nagkaroon na ng kanilang first kiss at first date.

Patuloy sa paghataw sa ratings game ang Be Careful With My Heart. Ano nga bang magic mayroon ang tambalang Maya-Sir Chief at ganoon na lang ang pagtutok ng sambayanan sa bawat yugto ng kanilang relasyon? Parang walang paliwanag. Basta, meron lang dating ang kumbinasyon nila. May kakaibang kilig ang kanilang loveteam. Gaya nga ng madalas kong sabihin, may mga taong nakakikilig panoorin na magkasama onscreen because they look good together and they have great chemistry. At isa rito ang tambalang Maya–Sir Chief.

Lume-level-up na ang pagtitinginan ng dalawa kaya mas lalong kapana-panabik ang kuwento. Nag-trend ang naganap na first kiss at first date ng dalawa. Sa series, Maya was brought home to her apartment by Sir Chief pagkatapos nilang um-attend ng prom night nina Luke (Jerome Ponce) at Nikki (Janella Salvador). Before saying goodbye, Sir Chief kissed Maya on the cheek na ikinagulat at ikinatulala ng dalaga. Kahit beso-beso lang naman ito ay malaking kasiyahan na ito para sa mga fans. Ewan ko ba naman kasi kay Sir Chief na hanggang ngayon ay manhid pa rin na may pagtingin sa kanya si Maya.

Sayang at hindi nadala ni Sir Chief si Maya sa isang yacht date due to the heavy traffic, pero kahit sa sea wall lang sila nagpalipas ng oras ay wagi pa rin sila because they sent the netizens abuzz.

After their first kiss and first date, what comes next? Ayan ang dapat tututukan ng publiko. Tiyak kong ang lahat ay nananalangin na sana ay magkatuluyan ang dalawa with Maya radiantly walking down the aisle to meet her dashing Sir Chief.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Pagkatapos ng first kiss at first date
Jodi Sta. Maria at Richard Yap, sa simbahan na ang tuloy?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.