Pagkatapos ng ‘pagwawala’ Ellen Adarna, nakulong?!

PAGKATAPOS MAGSALITA NI Baron Geisler sa huling presscon niya nu’ng nakaraang linggo, hindi pa rin nabago ang desisyon ng PAMI, kahit sinabi niyang unfair ang desisyon sa kanya dahil hindi raw nagkaroon ng maayos na paglilitis, may verdict na agad.

Sapat na ang mga nakuhang impormasyon sa taping ng Noah kaya nagbaba agad kami ng desisyon laban sa kanya. Tinanggap nga ng manager niyang si Arnold Vegafria ang desisyon ng PAMI kaya dapat ituloy na niya ang pagpapa-rehab.

Ngayong linggo nga raw ang pagpasok sa kanya sa rehab at tatlong buwan daw ang treatment na sana tuluy-tuloy na ang pagbabago niya, ‘no!

Nakarating na rin kay Cherry Pie Picache ang mga sinabi niya sa presscon at ang paghingi niya ng paumanhin sa aktres. Pero sinabi naman niyang wala siyang intensiyong bastusin ito kaya ewan ko kung tatanggapin ito ni Cherry Pie.

Hindi pa rin nagsalita ang aktres, kundi nagpadala na lang ito ng text message sa Startalk bilang statement niya sa mga pangyayari.

“I would like, first of all, to express my gratitude to PAMI for their kind concern and solid support for what is ‘fair and just’. While I am ready to put this unfortunate experience behind me, I am praying for support for all the ladies with the same sad encounter. Let us all learn from what we went through with firm determination to uphold, with God’s help, what’s fair and just.”

Base sa statement na ‘yun ni Cherry Pie, pinanindigan nito ang unang reklamo niya na talagang binastos siya ni Baron.

Pero siguro tama na ngang magpa-rehab ang aktor para maipakita niya talaga sa lahat na hangad niyang magbago.

SA GITNA NG napaka-hectic na schedule ni Aljur Abrenica, nagawa pa nitong magpunta ng Seoul, Korea para tanggapin ang award na ibinigay sa kanya bilang Asian Male Model Award ng Asian Model Festival.

Kasama ni Aljur sa pinarangalan si Frencheska Farr bilang Asian Female Model Award.

Nu’ng Biyernes niya tinanggap ang award at kinabukasan bumalik agad ng Pilipinas para mag-promote ng Machete na magsisimula na ngayong araw sa GMA Telebabad.

Sa Startalk agad siya tumuloy at ikinuwento nito sa amin na maganda ang pagtanggap sa kanila roon.

Nandu’n nga raw sa event na ‘yun ang sikat na Taiwanese actor na si Jerry Yan para tumanggap din ng award at parang nabighani raw ito sa ganda ni Frencheska Farr. Ang tagal daw ng tingin nito kay Frencheska at nagpa-picture nga raw sila.

Naku! Pakuwentuhin natin si Frencheska tungkol diyan!

NAGTATAKA ANG MGA supporters ng baguhang sexy star na si Ellen Adarna kung sino ang mga nagkakalat ng mga paninira sa kanya. ‘Di ba lumabas ang mga litrato niya rito na mukhang lasing na lasing at parang nagwawala?

Nakarating na ito kay Ellen pero ayaw na niyang magsalita. Ang daming nangulit sa kanya na magbigay ng komento tungkol sa mga kumakalat na litrato, pero ayaw niya talagang magsalita. Mabuting hayaan na raw na kumalat ‘yun at baka lalo pang lumaki kung magsalita pa siya.

Pagkatapos naman nun, may nagkalat naman ng text message na nahuli raw ito sa Canlubang, Laguna at nakulong dahil nakasagasa raw ito.

Pero nang tsinek naman ng Startalk staff namin, nasa ULTRA raw si Ellen nu’ng mga oras na ‘yun at abala sa pagdyi-gym. Kaya, obvious na meron daw gustong sirain siya. Pero ayaw nang magpaapekto pa ni Ellen.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Pagkatapos ng ‘pagwawala’ Ellen Adarna, nakulong?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.