Pagkatapos makabuo
Melai Cantiveros at Jason Francisco, pinaplano na ang kasal

KINUMPIRMA NINA Melai Cantiveros at Jason Francisco sa The Buzz ang kumakalat na balitang buntis ang aktres. In an exclusive interview, Melason shared their initial reaction when they learned about the pregnancy. “Positive na positive. I’m very happy. Noong nalaman ko, hindi talaga ako kinabahan kasi gusto namin talaga ni Jason. Noong nagkabalikan talaga kami, gusto naming i-level up ang aming relationship,” Melai said.

“Lagi akong nilalagnat so nagpa-check up ako. Doon ko nalaman na positive daw na buntis ako. Magkaaway kami noon, sinamahan niya lang ako. Noong nalaman niya, talagang nawala ang kanyang pagkagalit.”

Isa sa una raw nilang sinabihan ng magandang balita ay ang nanay ni Melai na noong una ay hindi naniwala. “Iyong mama ko tinawagan ko. Sabi ko, ‘Ma, buntis ako.’ Sabi niya, ‘Hah? Loko ka talaga!’ ‘Buntis nga ako! Bakit ayaw mong maniwala?’ Sabi ko, ‘Kapag ganyan, hindi ako magloloko kasi buntis nga ako.’ Sabi niya, ‘Okay ka lang diyan?’ Okay naman siya, happy naman siya,” she said.

Jason went home to his hometown in Mindoro to personally tell the good news to his family. Masaya rin daw para sa kanila ni Melai ang kanyang pamilya.

The couple is planning to get married. Aayusin daw nila ito kapag umuwi sila sa GenSan. “I-meet ko pa ang Mama niya. Ang gusto ng Mama saka Lola niya gusto sa simbahan siyempre dalaga, nag-iisa. Sa amin din gusto sa simbahan,” sabi ni Jason.

As expected from the comic couple, the proposal was also funny. Kuwento ni Melai, “Paggising ko, pinamumumog niya ako. Pagtingin ko sa salamin sa CR, mayroon doong ‘I love you, Ga. Will you marry me? You are my dream girl.’”

“Tapos tinabihan ko siya sa kama tapos tumalikod siya. Binigay niya sa akin iyong kahon ng singsing. Pagbukas ko walang singsing. Sabi niya, ‘Iyan na lang muna kasi alam mo namang wala tayong pera ngayon.’ Pero maya-maya, kinuha niya tapos sinuot niya sa akin. Umiyak siya, doon ako na-touch kasi dapat ako iyong umiyak, ‘di ba?”

I asked Jason why he cried upon giving Melai the engagement ring. “Kasi sa totoo lang kung mayaman ako, marami akong pera, ibibigay ko sa kanya lahat.” Hirit pa niya, “Naiyak din ako sa presyo.”

“Dati binibigay ko sa kanya P1,500, P2,500. Siyempre gusto ko namang mag-level up. Kapag mahal mo, pag-iipunan mo, ibibigay mo. Maiyak ka man sa presyo pero higit doon napasaya mo siya.”

May binitiwan naman silang pangako sa isa’t isa. Jason promised, “Pangako ko sa iyo na hindi ako magkaka-second wife. Lambingin mo rin ako kapag na-feel mo parang nauumay na ako sa iyo. Magtrust ka sa akin. Mas magiging matiyaga ako. Iyong nakikita ko, ayaw ko nang mangyari sa iyo. Iyong napagdaanan ko, hindi ko ibibigay sa iyo.”

On her part, Melai said, “Ako naman pangako ko sa iyo na I’ll always be here for you. Grabe na iyong pinagdaanan natin sa ating relationship. Kinaya natin iyon kasi sobrang love natin ang isa’t isa. I will love you forever.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Pagkatapos makabuo
Melai Cantiveros at Jason Francisco, pinaplano na ang kasal

Leave a Reply

Your email address will not be published.