Pagkampi ng US sa ‘Pinas, binatikos ng Tsina

BINATIKOS NG bansang Tsina ang pagkampi ng US Navy official sa Pilipinas sa usapin ng territorial dispute sa South China Sea.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying na sana ay manatiling neutral ang posisyon ng Amerika sa usapin ng territorial dispute sa Asya.

Ito’y makaraang ihayag ni US Admiral Jonathan Greenert, commander ng US Navy, na dedepensahan ng Estados Unidos ang Pilipinas kapag lumala ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Binigyang diin ni Hua na hindi kasama ang Washington sa mga parties na dawit sa usapin ng disputed islands.

Samantala, sa pa-kikipag-usap ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kay US Secretary of State John Kerry, hiniling nito na irespeto ng Amerika ang aniya’y soberenya ng Tsina sa East at South China Sea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.