Pagkamatay ng Ozamis Group Leader, Rubout – Malacañang

NANINIWALA ANG Pa-lasyo na rubout ang pagkakapaslang sa li-der ng Ozamis robbery-holdup group sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, welcome sa kanila kung may lalabas na testigo ng insidente.

Sinabi ni Lacierda na kumilos na si DILG Sec. Mar Roxas kung saan pinatatanggal sa puwesto ang mga sangkot na pulis at ang hepe ng CALABARZON police na si Benito Estipona.

Samantala, maaalala na humihingi ng hustisya ang pamilya ni Ricky Cadavero dahil sinadya raw patayin ng mga pulis ang mga salarin habang nasa daan papuntang Camp Vicente Lim.

“May mga lumabas na mga… isang testigo yata ang nakita namin, but lahat na pong testigong… Certainly, we welcome itong paglabas ng mga testigo roon po sa nangyaring pag-rubout po kay Ginoong (Ricky) Cadavero,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.