Pagkalat ng HIV/AIDS sa ‘Pinas, bumilis

LALO PANG bumilis ang pagkalat ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Lumalabas sa report ng Philippine National Aids Council sa House committee on health, isang Pinoy ang nagkaroon ng HIV kada isang oras nitong nakalipas na taon.

Malayong- malayo ito sa sitwasyon noong 2007 na isang Pinoy lamang ang tinatamaan ng HIV sa loob ng 24 na oras.

Nakararami rin umano sa mga nagkakaroon ngayon ng HIV ay mga edukado at nasa pagitan ng 15 hanggang 35 taong gulang.

Sa kabila ng awareness campaign ng pamahalaan kontra sa HIV aids, pumalo sa 22,000 hanggang 24,000 ang Pinoy na nagkaroon ng sakit na ito noong nakaraang taon.

Para mas mapalakas pa ang information campaign laban sa naturang sakit, iminumungkahi ng PNAC na isama na ito sa curriculum ng mga mag-aaral.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.