Pagkalat ng Epidemya sa mga Evac Center, Pinangangambahan na

PINANGANGAMBAHAN NA ng city health office ng Zamboanga ang outbreak ng mga sakit sa mga evacuation center dahil sa patuloy na paglobo pa ng bilang mga lumilikas dahil sa nagaganap na standoff.

Ayon kay Dr. Rodelin Agbulos, ang chief ng city health office, kulang na sila ng supplies sa medisina dahil sarado pa rin ang maraming mga pharmacy sa syudad.

Ang Department of Health sa kanilang lugar ay nag-aantay din sa supply ng medisina mula sa Metro Manila bunsod ng wala pa ring biyahe ang mga eroplano.

Sinabi ni Dr. Agbulos na hindi malayong magkaroon ng outbreak dahil sa kalagayan ng evacuation center na nagsisiksikan na katulad na lamang sa Zamboanga sports complex.

Sa ngayon meron na silang naitatalang mga nagkakasaklit tulad ng respiratory tract infection, tigdas, mumps, at sore eyes.

Inihayag pa ng doktor na natatakot umano sila sa posibleng epidemic dahil may mga insidente na rin ng diarrhea cases.

Kaya naman todo paalala ang mga mangagamot na panatilihing malinis ang kapaligiran at ang personal hygiene.

Samantala, ang lokal na DSWD ay patuloy naman ang panawagan para sa dagdag na mga volunteers upang tumulong sa pag-asikaso sa mahigit sa 60,000 mga evacuees.

Sa ngayon, umapela na rin ang city health office sa grupo ng mga doktor at nurses para mag-volunteer sa mga evacuation center.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.