‘Pagkalalaki’ ni Vhong, ‘di pinerwisyo – kampo ni Lee

IGINIIT NG kampo ni Cedric Lee na hindi totoo ang mga lumalabas na report na sinadyang pinsalain ang maseselang bahagi ng katawan ni Vhong Navarro.

Sinabi ni Atty. Howard Calleja na ang ginawa lamang ng kaniyang kliyente ay pagtatanggol sa isang babaeng inaabuso at hindi ang sadyang pamiminsala sa pagkalalaki ng nasabing TV-host-actor.

Base naman sa hiwalay na impormasyon mula sa kampo ni Vhong, sinasabi ng mga doktor na hindi nagkaroon ng malaking pinsala sa lower extremities nito at ang matinding pinsala ay nasa mukha, lalo na sa parte ng ilong ni Navarro.

Una nang kumalat sa social networking sites ang mga impormasyong napinsala na umano ang pribadong parte ni Vhong.

May mga lumalabas ding balita na “pinitpit” ito ng baril o anumang matigas na bagay.

Lumilitaw naman sa mga nakaraang pagsusuri, mali ang mga report na iyon dahil nakaka-ihi umano ng normal si Navarro at walang mga artipisyal na kagamitan sa ibabang bahagi ng katawan nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.