Pagkakategorya sa Media Killing, Muling Binuhay

MULING BINUHAY ang panukala sa pagbibigay ng kategorya o pag-uuri sa media killing at pagpatay sa kalayaan ng pamamahayag sa ika-apat na anibersaryo ng Maguindanao massacre.

Katwiran dito ang pananaw ng Task Force Usig ng Philippine National Police (PNP) na hindi work-related o pagpigil sa press freedom ang nasabing pamamaslang dahil na-damay lang ang ilang mamamahayag sa pagpatay sa mga target na Pamilya Mangudadatu.

Ayon kay Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) Deputy Director Luis Teodoro, lahat ng pagpaslang sa mamamahayag ay dapat ikonsiderang media killing.

Maaari na lang aniyang magkaroon ng sub-category na work-related kung may kaugnayan sa expose o komentaryo ang krimen.

Sinabi naman kay National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Chairperson Rowena Paraan na kapag ang isang mamamahayag ay pinatay, ito’y dapat ituring na media killing hanggang mapatunayan na personal ang motibo.

Samantala, aniya, mabilis magbigay ng konklusyon ang mga alagad ng batas na walang kaugnayan sa trabaho kundi love triangle, away sa lupa o iba pa ang pagkitil sa buhay ng mga  mamamahayag kahit walang pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.