Pagkakatalaga Kay Parreño, ‘Wag Intrigahin’

PATULOY NA idinepensa ng Palasyo ang pagkakatalaga kay Al Parreño bilang isa sa dalawang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Kinontra ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang mga batikos laban sa pagkakatalaga kay Parreño.

Sinasabing labag sa Saligang Batas ang pagkakatalaga kay Parreño dahil hindi nito naabot ang 10 taong law practice requirement.

Base sa Article IX (C) Section 1 (1) ng Saligang Batas, kinakailangang nasa edad 35 pataas ang isang Comelec commissioner, nakapagtapos ng kolehiyo at dapat ay hindi naging kandidato sa alinmang electoral position sa nakalipas na eleksyon.

Kinakailangan namang mayorya sa mga commissioner kasama ang chairman ay pawang mga abogado na may hindi bababa sa 10 taong karanasan sa pag-practice ng law.

Ayon kay Valte, wala namang kaso kung hindi naabot ni Parreño ang 10 year law practice requirement dahil lalabas na mayorya pa rin ng mga commissioner ay abogadong naabot ang naturang requirement.

Kaya naman pakiusap ni Valte, huwag nang intrigahin si Parreño at hayaan na lang itong magtrabaho.

Pero hindi lang ang 10-year law practice requirement ang ikinakabit na intriga sa bagong Comelec commissioner.

Maaalala na nagsilbi si Parreño bilang private prosecutor sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Samantala, hinamon ni Valte ang mga kritiko na maghain na lang ng kaukulang reklamo hinggil sa appointment ni Parreño.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.