Pagkakaroon ng Metro Manila Governor, Ayaw ng Malacañang

TILA HINDI interesado ang Palasyo sa panukalang ibalik ang sistemang may gobernador sa Kamaynilaan.

Kasunod ito ng pagbuhay ni National Center for Commuters’ Safety and Protection chairman at dating Sec. Roberto Pagdanganan sa panukala bilang sagot sa suliranin sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman na maayos ang ugnayan sa mga city mayor.

Sinabi ni Lacierda na wala silang nakikitang problema sa liderato ni MMDA Chairman Francis Tolentino para maisaayos ang kalunsuran.

Lagi namang bukas umano si Tolentino sa rekomendasyon ng mga mayor at tinitiyak nitong lahat ay sasang-ayon sa mga ipatutupad na solusyon sa mga problema sa Kamaynilaan.

Samantala, idinepensa naman ni Lacierda ang hindi pagsunod ng ilang lungsod tulad ng Makati sa mga polisiya ng MMDA.

Paliwanag pa ni Lacierda, may mga dahilan ang ilang city government tulad ng pagkakaroon ng business district kaya mas pinili nilang ipatupad ang kanilang sariling traffic rules.

“May reason for instance kasi iyong… For instance, ang Makati po, we know that it is the business district. So there are reasons why some cities would prefer to have a different set of rules,” ani Lacierda. “But, on the whole, there has been a very good coordination between the city mayors and Chairman Tolentino and we appreciate the efforts of both sides – MMDA and the city mayors.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.