Pagkakapatay sa 2 Foreign Tourist sa Mindanao, Kinumpirma ng Palasyo

KINUMPIRMA NG Palasyo na napaslang nga ng mga awtoridad ang dalawang dayuhang miyembro ng teroristang grupong Jemaah Islamiyah (JI).

Maaalala na tumanggi ang Malacañang na kumpirmahin ang balita noong Nobyembre ng nakalipas na taon na napatay ng mga kinauukulan si Ibnu Gholib al-Jitli alyas “Ustadz”, isang Indonesian at hinihinalang senior member ng JI.

Ayon kay Deputy Presidential Abigail Valte, nagkaroon pa ng shootout nang tangkain ng pulisya na a-restuhin ang suspek noong Nobyembre 21.

“Sa pagtatangka po ng ating mga puwersa na hulihin at arestuhin po siya, nagpaputok po ito (ng baril) so nagkaroon po ng firefight at napatay po siya roon sa kanyang pagtatangkang tumakas,” ani Valte.

Samantala, bago pa dumating sa bansa noong 2005, nasangkot na si Ustadz sa pamumugot ng tatlong batang babae sa Poso, Sulawesi, Indonesia noong 2006.

Noon namang Disyembre 14, tinugis ng puwersa ng gobyerno si Noor Fikrie Kahar, isang Malaysian at hinihinalang miyembro rin ng JI.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.